Martes, Disyembre 9, 2014

Paglalayag sa puso ng isang bata


                                                   Paglalayag sa puso ng isang bata
Merong isang bata na minsan ay aking naging guro.Maaring binata o ama na sya ngayon,kung nakaligtas sya sa nakaraang digmaan,ngunit saakin ay hindi sya binata ,ama o isang ala ala ng Bataan.Siyay mananatiling walong taong gulang na bata.Naiiba sya sa aming klase,pangit,maliit, bilog at pipis ang long,at mayroon syang nakakatawang tono sa pagsasalita.Siya ay matulungin.Nalaman ko naman ang katotohanang sya'y munting ulilang bata na lumuwas sa lungsod para maging utusan.Nakadama ako ng kalungkutan,sapagkat nais kng maging katlas sya ng ibang bata na masayang naglalaro.Tahimik na pagkakaibigan ang nag-uugnay saamin ng pangit na ito.Unti-unti ko namang naramdaman ang kanyang kasiyahan.Masigla syang sumasagot ng "GoodbyeTeacher".Ngayon tiyak ko na hindi na sya totoong nag-iisa at hindi na sya nalulumbay.Mainit non ang aking ulo nagawa ko ang di dapat gawin.Nang hapong iyon ay bumalik siya sa dating siya. Hindi niya ako pinapansin ni minsan lamang. Naisip kong galit siya sa akin. Sa munti niyang puso'y kinapopootan ako, at nasantabi ang pagmamahal niya sa akin.Tila may binubulong kapasiyahan sa kanyang loob.
Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito itinatanong kong paulit-ulit sa aking sarili. Napopoot siya sa akin.Ang mga mata niya'y nakipagsalubungan sa akin at nagsabing "GoodBye Teacher". At umalis na siya. Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin.Naggunita ko ang pagpapakumbaba sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon. Nang sandaling yaon, siya ang aking guro.